Abante Tonite Interactive

Buntis, 1 pang bebot kalaboso sa droga

By
4

Dalawang kababaihan kabilang ang isang tatlong buwang buntis ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang ­anti- illegal drugs operation sa Quezon City kahapon.

Napag-alaman kay Police Senior Insp. ­Ramon Aquiatan ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao Station-Drug Enforcement Unit, alas-sais pasado ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan­ ng nasa­bing himpilan sa isang apartelle sa Aurora Boulevard corner Benitez Street, Cubao,QC.

Target ng operasyon si Lara Jane Juralbal na umano’y isang kilalang tulak ng ipinagbabawal na gamot na nakipagkasundong makipagkita sa nasabing lugar.

Nang magkaabutan ng marked money at inorder na shabu ay doon na ina­resto si Juralbal kung saan ay nahuli rin ang isa sa kanyang customer na nakilalang si Janina Jaranilla na nasa tatlong buwang buntis na huli sa aktong tumitira ng shabu.