Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buntis, 5 pa bagsak sa droga

0 200

Anim na drug suspects na kinabibilangan ng isang buntis ang nadakip ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) operatives sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation sa Meycauayan City at Baliwag, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Lawrence B. Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang naarestong sina Ramon Avila y Villegas; Allan Oram y Amburo; Junrel Asas y Tandugon; Alejandro Magat Jr; Ferdinand Calima y Luzon at ang buntis na si Bernadette Abulencia y Cariaga.

Sa report ni P/Lt.Col. Bernardo Pagaduan, Chief of Police ng Meycauayan City Police Station, alas-6:00 noong linggo ng gabi nang magkasa ng anti-illegal drugs operation ang SDEU -Meycauayan City sa Barangay Camalig. Dito nila nakorner ang 5-buwang buntis na si Abulencia at dalawa pang kasama niyang bumabatak.

Sumunod na nadakip ng mga SDEU ng Baliwag police ang tatlo ding drug suspek at umabot sa kabuuang 19 na pakete ng shabu ang narekober bukod pa sa buy-bust money. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.