Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buntis, driver tepok sa tricycle vs pickup

0 139

Dalawa ang patay, kabilang ang isang buntis, sa nangyaring banggaan ng tricycle at pickup truck sa bayan ng Dueñas, Iloilo nitong Miyerkoles.

Sinaad ng Dueñas PNP na base sa kanilang imbestigasyon, papunta sa Kalibo, Aklan ang pickup kahapon ng umaga. Nang nasa Brgy. Capuling ay napag-isipan ng pickup driver na mag-overtake sa sinusundang truck pero nawalan siya ng kontrol sa sasakyan.

Bumangga siya sa kasalubong na tricycle na minamaneho ni Laurence Hautea, kung saan sakay ang 7-buwang buntis na si Mela Pama, at ang mga pamilya ng dalawa.

Sumalpok pa ang pickup sa nakaparadang truck bago nagtuloy-tuloy sa isang vulcanizing shop.

Tumilapon sa kalsada ang mga sakay ng tricycle habang wasak ang malaking bahagi ng shop.

Nagawang maitakbo sa ospital sina Pama at Hautea pero idineklarang dead on arrival ang tricycle driver.

Binawian na rin ng buhay ang buntis nang inililipat sa ospital sa Iloilo City. Maging ang sanggol sa sinapupunan niya ay namatay din.

Samantala, nilalapatan pa rin ng lunas si Jonathan Pama, asawa ni Mela; si Ken Jun Pama; at si Daren Hautea.

Hawak naman na ng Dueñas PNP ang driver ng pickup at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple serious physical injuries, and damage to property. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.