Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buntis, dyowa timbog sa raket na ecstasy

0 300

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 7, ang magdyowang tulak ng ecstacy sa buy bust operation kahapon ng madaling araw sa kanto ng Rizal Ave. at Bulacan St., Tondo, Maynila

Nakumpiska ng operatiba sa pangunguna ni PLT Joan Dorado ang 500 piraso tabletang ecstasy na may street value na P850K at buy bust money na P500 at P7,000 cash sa suspek na sina Paul Chester Borja, 18 at kinakasama nitong si Krissette Silverio, 6-buwang buntis.

Related Posts

Alas-3:00 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon kaugnay na rin sa pagbebenta ng ecstasy ng dalawa.

Nang makabili ng tableta ang isang poseur buyer, dito na inaresto ang dalawa sa loob ng puting Honda na 2013 model at may plate number WID-936.

Nalaman rin sa pulisya na kahit 6-buwan nang buntis ay gumagamit pa rin ng ecstasy si Silverio. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.