Abante Tonite Interactive

Buntis inumbag, tiyan inipit

390

Kulungan ang bagsak ng isang welder habang tumakas naman ang asawa nito matapos nilang suntukin at ipitin ang tiyan ng isang buntis na misis ng kanilang kaaway kamakalawa sa Navotas City.

Nakilala ang suspek na si Joel Napay, 52-anyos, welder, taga-Barangay North Bay Boulevard South, Kaunlaran, Navotas City habang tinutugis ng mga pulis ang asawa nitong si Milagros.

Sa report ng Navotas Police, naganap ang insidente alas-11:50 Linggo nang gabi. Pauwi na ang biktima na si Henrie Bacaycay Abantao, 43, nang biglang sumulpot si Joel at pinagsusuntok ang biktima.

Nakatakas naman si Henrie subalit sinundan pa ng suspek malapit sa kanilang bahay at doon na lumabas ang 4 buwang buntis na si Rizza Mae, 20, subalit bigla siyang sinuntok ni Joel.

Umeksena rin ang asawa ni Joel na si Milagros at inipit ng mga suspek ang tiyan ni Rizza sa isang mesang bakal.

Agad namang rumesponde ang mga barangay tanod at dinamba si Joel habang nakatakas si Milagros. (Vick Aquino)