Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buntis kinatay, biyenan kritikal sa selosong mister

0 232

Nasawi ang isang babaeng buntis habang malubha namang nasugatan ang ina niya matapos silang pagtatagain ng lasing na kinakasama ng huli nang awatin ng una ang pagtatalo ng mag-live-in partner, Lunes ng gabi, sa Aroroy, Masbate.

Agarang namatay dahil sa tinamong mga taga sa ulo at katawan ang biktimang si Reyna Tugbo, 22-anyos, 5 buwang buntis, habang patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang ina niyang si Lorena Tugbo, 42, pawang residente ng Purok Baybay, Brgy. Puro ng nasabing bayan.

Samantala, patuloy ang ginagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Aroroy Municipal Police Station sa agarang pagdakip sa suspek na si Ariel Gutlay, gold planner at live-in partner ng matandang Tugbo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat na ipinadala ng Police Regional Office 5 sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi nang umuwing lasing na lasing ang suspek sa kanilang bahay at nagkaroon ng pagtatalo sa kinakasamang si Lorena.

Narinig naman ni Reyna ang pagtatalo ng dalawa kaya agad siyang pumagitna upang awatin ang dalawang nag-aaway subalit imbes na magpaawat ay siya ang pinagbalingan ng suspek na nakakuha ng 19-pulgadang jungle bolo at pinagtataga ang batang Tugbo, gayundin ang ina nito na kinakasama ng suspek.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.