Abante Tonite Interactive

Buntis, live-in partner nalambat sa droga

501

Bumagsak sa mga operatiba ng pulisya ang isang 26-anyos na tulak ng droga at ang kanyang kinakasamang may limang buwang buntis makaraang isailalim sa buy-bust operation sa kanilang lugar sa Brgy. Sipat, Plaridel, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Plaridel Police chief Police Lt. Col. Victorino Valdez ang naaresto na sina Raymond Abrazaldon y Cortez at Marisol Abesamis y Francia, 22-anyos.

Kabilang umano si Abrazaldon sa watchlist ng mga drug personality sa nasabing lugar.

Bandang ala-una ng hapon nang ikasa ang buy-bust ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit laban sa magka-live in at hindi na umano nakapalag ang dalawa matapos kumagat sa entrapment at mahulihan ng dalawang­ pakete ng shabu at isang pakete ng marijuana.

Nakakulong na ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act. (Jun Borlongan)