Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buntis ni-rape ng tinedyer

0 137

MALAMIG na rehas ang hinihimas ngayon ng menor-de-edad na lalaki matapos gahasain ang isang buntis sa bayan ng Echague, Isabela, kamakalawa, ayon sa Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Ayon sa IPPO base na rin sa report ng Echague Police Station, nangyari ang panggagahasa ng 17-anyos na suspek sa 27-anyos na buntis bandang 10:15 ng umaga.

Sa report, bago ang insidente, inutusan ang biktima ng kanyang asawa na bumili ng yelo at habang naglalakad ay nakasalubong nito ang binatilyo.

Sa salaysay ng biktima, nang makarating sa sagingan, sinamantala ng suspek ang kawalan ng tao sa paligid at hinalay ang biktima.

Agad namang isinumbong ng biktima sa mga barangay official ang sinapit kaya agad na inilunsad ang manhunt operation laban sa suspek na ikinaaresto nito.

Agad namang dinala sa Echague District Hospital ang mssis dahil sa walang tigil na pagdurugo sa maselang bahagi ng kanyang katawan at inilipat sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City para sa surgical operation.

Nakakulong ngayon ang suspek sa EPS at sasampahan ng kasong rape. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.