Abante Tonite Interactive

Buntis sa panaginip

1,358

Dear Dream Catcher,

Nanaginip po ako kagabi na buntis ako at sa panaginip ko ay malikot ang baby bagaman maliit pa ay ramdam ko na malikot sa tiyan ko ang baby. Ano po kahulugan ng panaginip kong buntis ako?
Glecy

Glecy,

Ang panaginip sa pagbubuntis ay maituturing na common dream lalo na sa kababaihan. Karamihan sa kababaihan ay nangangarap maging ina.

Ang pagbubuntis ay simbolo ng creation ng buhay kaya simbolo rin ito ng isang pagsisimula. Puwede ring ikonek ang pagbubuntis sa bagong challenge na iyong kinakaharap sa buhay.

Related Posts

Ang sanggol sa iyong sinapupunan ay maaari namang ikonek sa isang goal, isang malaking plano, isang malaking pagbabago na ikinokonsidera mo sa iyong aktuwal na buhay. Kadalasan sa mga nananaginip na sila’y nagdadalantao—babae man o lalaki ay merong mga malalaking plano o pagbabagong ikinukonsidera sa kanilang buhay.

Sinabi mong kahit maliit pa ang baby sa iyong tiyan ay naramdaman mo ang pagiging malikot nito. At kung ang iyong pagbubuntis ay maikonek mo sa isang malaking plano, ang paglikot ng sanggol ay puwede mo namang ikonek sa excitement na nararamdaman mo para sa planong niluluto mo. Kung ikaw ay nakaramdam ng excitement sa iyong pana­ginip ay maikokonek mo rin ito sa aktuwal na emosyon na nararamdaman mo sa totoong buhay. Kung ikaw ay nakaramdam ng pagkatakot sa iyong pagbubuntis, sa iyong panaginip, ay ito rin naman ang puwedeng mensahe ng iyong subconscious—na ikaw ay nangangamba sa magiging outcome ng iyong ikinukonsiderang pagbabago sa iyong buhay.

Sa kabuuan, ang pagbubuntis sa pana­ginip ay itinuturing na positibong omen dahil bawat sanggol na isinisilang sa mundo ay karaniwang simbolo ng bagong pag-asa na nagbibigay kaligayahan sa bawat ina, sa bawat pamilya.

Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CAT­CHER ay nagbibigay lamang ng gene­ral information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.