Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buong mundo nakiramay

0 119

Hindi lamang Pilipinas ang nagluluksa sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon `Noynoy’ C. Aquino III kundi maging ang mga lider ng iba’t ibang bansa sa mundo.

Sa Twitter nakiisa at nagpahayag ng pakikiramay sa mga Pilipino sa pagpanaw ng ika-15 presidente ng Pilipinas ang Germany, France, United Kingdom at United States.

Sabi ni German Ambassador to the Philippines Anke Reiffenstuel, si Noynoy ay “true friend” ng kanilang bansa.

“Deeply saddened by the death of former president Noynoy Aquino, who was a true friend of Germany, I would like to express heartfelt condolences to his family, friends and the Filipino people,” sabi ng German ambassador.

SM food to go Banner Ad

Saad naman ni French Ambassador to the Philippines Michèle Boccoz, ang legacy ni Noynoy bilang isang lider ng Pilipinas ay laging maaalala.

Inalala naman ng American government ang pagsisikap ni Noynoy na mapabuti ang partnership sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

Sobra ring nalungkot si British Ambassador Daniel Pruce, “I’m extremely saddened by the passing of former President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III. My deepest condolences to his loved ones and to the people of the Philippines.”

Pumanaw si Noynoy nitong Huwebes, Hunyo 24, sa edad na 61, dahil sa sakit na renal disease secondary to diabete. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.