Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Burdado ng tattoo tinumba sa tulay

0 46

Pinagbabaril hanggang mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang lalaki habang naglalakad sa eskinita sa ilalim ng tulay sa Brgy. Unang Sigaw, Quezon City, nitong Biyernes ng hapon.

Nakilala pa lamang ang biktima sa alyas na `Mac-Mac’, nasa 30-35 ang edad, payat ang pangangatawan, may taas na 5’2”, nakasuot ng puting t-shirt, orange short pants, at maraming tattoo sa katawan.

Sa report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, bandang alas-4:45 ng hapon nang mangyari ang krimen.

Sa pahayag ng isang Greg Payumo sa pulisya, nakarinig na lang siya ng sunod-sunod na ng baril at nang kaniyang silipin mula sa kanilang bintana ay natanaw ang biktima na duguang nakabulagta.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives na pinamunuan ni Master Sergeant Fedirico Manzano, nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nakakuha sa pinangyarihan ng krimen ng anim na fired cartridge cases, apat na bala, isang piraso ng aluminum foil at plastic tooter.

Patuloy pa ang pag-iimbestiga ng pulisya sa nangyaring patayan. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.