Abante Tonite Interactive

Burger ni Kris sarado na

By
4,309

Walong buwan na pala ang relasyon ni Kris Bernal sa chef boyfriend niyang si Perry Choi. Natupad ang wish ng 29-anyos na Kapuso actress na ayaw na niya ng nobyong taga-showbiz.

Katwiran kasi niya, mahirap kung pag-aartista lang ang source of income. Mas gusto niya ng lalaki na may sariling negosyo.

Chef pala si Perry sa sarili nitong kompanya. Chinese ang boyfie ni Kris at na-meet na niya ang parents nito. Wala raw problema sa kanya ang mga magulang ni Perry at madali niyang nakasundo ang pamilya nito.

Business partner pala ni Kris ang boyfriend niya sa kanyang MeatKris burger kiosks, na isinara na niya lahat nu’ng Abril.

Gusto na niyang magbukas ng sarili niyang restaurant sa June at magkasosyo pa rin sila rito ni Perry.

Ang uso ngayong Korean grill na may unli-meat ang bet na resto ni Kris.

Mahilig sa mga Korean chuva si Kris kaya Korea­na ang peg niya nang magpagupit siya ng hair sa kanyang Korean hairstylist.

Kasama na si Kris sa Kapuso primetime series na The Cure katambal ang dating Kapamilya na si Matt Evans.

29th birthday ni Kris nu’ng May 17 at sa taping nila ay may pa-cake ang The Cure stars sa pangu­nguna ng bidang si Jennylyn Mercado.