Abante Tonite Interactive

Burks, Warriors nanagpas

182

Tapos ng mahaba-habang panahon, tumikim din ng panalo ang Golden State.

Inambus ng Warrios ang Memphis Grizzlies 114-95 Martes nang gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular season game.

Si Alec Burks ang bumida sa Golden State, tumabo ng season-high 29 points para tagpasin ang seven-game losing streak ng Warriors.

Nagdagdag si Glenn Robinson III ng 20, may tig-17 pa sina Marquese Chriss at Eric Paschall. Pinaglaruan ni Draymond Green ang pang-24 sana niyang career triple-double sa 8 points, 10 rebounds at 11 assists.

Kahit kulang sa tao, bumubuga ang armas ng Warriors at halos final tally na lang ang hinihintay bago ang halftime.

Naibaba ng Memphis ang hinahabol sa single digits sa third quarter, pero hindi na sila pinaporma ng Golden State sa fourth.

Ang 20 ni rookie Ja Moran tang nanguna sa Grizzlies. Umayuda ng 18 si Dillon Brooks, 17 kay Brandon Clarke at 15 points, 11 rebounds si Jae Crowder.

Nagpundar ng 61-46 halftime lead ang Golden State, sa bukana ng second quarter ay na-outscore ang Grizzlies 26-4.

Sa first 24 minutes, may 17 points na si Burks at 14 kay Robinson. (VE)

Pinagsamang 13 of 18 mula sa field ang starting guards ng Warrios.
Sa pangalawang block sa laro, nilagpasan ni Green si Andris Biedrins (580) sa fifth ng Warriors career blocks list.

Pitong players pa rin ng Warriors ang nakalistang “out” dahil sa injuries kabilang sina Stephen Curry (left hand fracture), D’Angelo Russell (right hand sprain) at Klay Thompson (left ACL rehab).

Lulusob ng Dallas ang Warriors para harapin naman ngayon sina Luka Doncic, Kristaps Porzingis at ang Mavericks.