Abante Tonite Interactive

Burol ni Jo Min Ki, binoykot ng South Korean Stars

By
9,578

HINAMON ng South Korean actor na si Jo Sung Gyu ang ibang South Korean actors na nakasama ng pumanaw na actor na si Jo Min Ki. Ang dahilan kung bakit ito nagawa ni Jo Sung, wala raw siyang nakitang mga nakasama o nakatrabaho ni Jo Min Ki na ibang actor at actress sa rami ng mga Korean drama at Korean films na nagawa nito sa naging burol o ilang gabing pag-alala sa actor.

Si Jo Min Ki ang actor na may kaso ng sexua­l harassment at 20 estudyante ang naghahain ng complaint sa actor. Umamin din naman ang actor sa nagawa niyang kasalanan. Pero kung pagbabasehan ang unang report sa pagkamatay niya, hinihinalang suicide ito kunsaan, natagpuan ang bangkay niya sa basement ng isang parking lot noong March 9.

Wala masyadong repor­t pagkatapos ng announcement na pumanaw na ito. Parang nagkaroon na ng news blackout. Maliban sa lumabas sa soompi.com na may handwritten letter raw itong iniwan.

Nakasaad sa sulat niya ang pag-amin ng kasalanan at paghingi ng paumanhin.

Aniya, “Everything is my fault, my crime.

“I was caught off-guard by it all and as time passed that became increasingly difficult for me to bear, I became a co­wardly person who ev­aded and denied the issue. I am ashamed and sorry. Du­ring the past seven years, I had no choice but to become a stern professor to my juniors who had begun the difficult path to become an actor.

“In private, I tried to let go of that sternness. I want to apologize from the bottom of my heart to the juniors who felt humiliated or ashamed in that situation. I am both sorry to you and grateful that at least now I can repent of my arrogance and wrongdoing.

“Finally, I apologize to Cheongju University and the students of the theate­r department who are still devoting themselves sincerely to their art.”

Bilang isang actor, kung makikita talaga ang body of works nito, napakarami niyang nagawang Korean drama, Korean movie at ma­ging sa Korean Theater. Kabilang sa mga drama na nagawa niya ay ang Iljimae, Queen Seondok at pinakahuli ang Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo.

Going back to Jo Sung Gyu, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay isiniwalat niya ang di­sappointment pagkatapos na magbigay ng kanyang last respect sa kaibigang actor. Nag-trending sa South Korea ang ipinost na ito ng veteran actor.

“I went to Jo Min Ki’s wake yesterday and today. But none of the connections he’d made for the past 28 years while acting was present. What are you so scared of? Jo Min Ki’s crimes are his crimes, and your connection to him is separate. Where are all the actors who chased cameras at every event? I felt like I was seeing a made-up celebrity industry.”

‘Yun nga lang, sa kabila ng tila paghahamon ng actor sa iba, hindi na­ging positibo ang na­ging pagtanggap ng mga K-netizen sa post niya. Mas maraming negatibo at sinabihan ito na hindi dapat i-judge ang fellow actors and actress niya, personal choice nila kung gusto nilang pumunta o hindi.

May nagpaalala rin dito na paano raw kaya kung anak niyang babae o kapatid na babae ang ginawan ng kahalayan ng pumanaw na actor, ganun din daw kaya ang gagawin niya? Pupunta pa rin kaya siya?

Tila kahit na nag-resort na sa suicide si Jo Min Ki, kung pagbabasehan ang mga komento ng K-netz, tila hindi talaga madali sa mga ito ang kalimutan o patawarin ang South Korean actor/professor sa nagawa niyang mali.