Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bus, jeep walang taas-pasahe kahit bawas pasahero – DOTr

0 292

Hindi magpapatupad ng taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan katulad ng mga bus at jeep, sa kabila ng pagbabawas ng bilang ng mga maaaring sumakay sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Steve Pastor, inutos ni DOTr Secretary Arthur Tugade na manatili ang pamasahe para makatulong sa mga commuter sa panahon ng pandemya.

“Wala pong pagtaas ng pamasahe, ito po ay paulit-ulit na direktiba sa atin ni Secretary Tugade upang makatulong na rin po sa ating mga kababayan dahil ang DOTr na rin po ay kasangga ng ating mga mananakay at gayundin po ng ating mga nagtratrabaho at naghahanapbuhay kung kaya’t wala po tayong pagtaas sa pamasahe po,” ayon kay Pastor.

SM food to go Banner Ad

Sa mga pampublikong sasakyan, ginawang 50 percent ang kapasidad sa pagtanggap ng pasahero at kailangan ding maipatupad ang isang upuang bakante kada mananakay.

Tatagal ang ECQ sa NCR Plus area hanggang Abril 4. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.