Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bus pinasabog sa Cotabato, 2 sugatan

0 94

Sugatan ang dalawa katao matapos na pasabugin ng hindi pa kilalang suspek ang isang improvised explosive device (IED) sa loob ng pampasaherong bus sa kahabaan ng General Santos Drive sa Koronadal City, South Cotabato nitong Sabado ng tanghali.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-“30 ng tanghali nang maganap ang pagsabog sa isang unit ng Yellow Bus Line na nanggaling ng Tacurong City sa Sultan Kudarat.

Base sa ulat, sugatan ang dalawang tricycle driver na nakasunod sa bus nang sumabog ang IED.

Hindi pa pinangalanan ang dalawang biktima na mabilis na dinala sa pinakamalapit na pagamutan dahil sa mga tinamong pinsala.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Masuwerte na kakaunti lang umano ang pasahero ng bus at inilagay ang pampasabog sa likurang bahagi ng sasakyan kaya walang naging biktima sa mga sakay nito.

Ayon naman sa mga nakasaksi, malakas ang naging pagsabog ng bus at suwerte lang na walang masyadong nasaktan sa pangyayari.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam na rin kung may CCTV footage sa nangyaring pagsabog. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.