Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bus sinilaban, 3 pasahero nalitson

0 399

Nasunog nang buhay ang tatlong pasahero matapos silaban ng kapwa nila pasahero ang bus na kanilang sinasakyan sa bayan ng Mlang, Cotabato kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat, hindi pa nakikilala ang tatlong biktima hanggang sa isinusulat ito.

Sabi ni Bernardo Tayong, disaster risk reduction and management officer ng Mlang, na-trap sa nasusunog na bus ang mga nasawi.

Nagmula ang Yellow Bus Lines unit sa Kidapawan City patungong Tacurong City, Sultan Kudarat nang isang pasahero umano ang nagbuhos ng gasolina sa likurang bahagi ng bus at sinindihan ito gamit ang lighter pasado alas-4:00 ng hapon, June 3.

Hindi umano ito ang unang insidente ng panununog sa sasakyan ng bus company. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.