Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bus station sa Buendia bubuksan na

0 36

Bubuksan na ng Department of Transportation (DOTr) sa publiko ngayong Lunes, Nobyembre 22, ang bagong pasinayang Buendia Station sa EDSA Busway.

Kasunod ito ng pagbubukas na rin ng bagong footbridge sa intersection ng EDSA at Gil Puyat Avenue o mas kilala sa tawag na Buendia Avenue, sa Makati City.

Ang inagurasyon sa Buendia Station sa EDSA noong nakaraang linggo ay pinangunahan nina MMDA Chairman Benhur Abalos Jr., DOTr Assistant Secretary Mark Steven Pastor, at Assistant Secretary for Special Concerns and I-ACT Chief Manuel Gonzales.

Kumpiyansa naman ang DOTr na lubhang makatutulong sa mga komyuter ang proyekto.

“Inaasahang mas mapaluluwag nito ang pedestrian traffic at magiging mas ligtas at seamless ang pagsakay at pagbaba ng mga commuter na manggagaling at pupunta sa nasabing lungsod, lalo na at konektado ito sa pasilidad ng MRT-3.”

Ang EDSA ay mayroon na ngayong 13 operational bus station sa median lane, kabilang na ang Buendia Station. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.