Abante Tonite Interactive

Businesswoman, 2 dalaga huli sa droga sa mall

311

Sa kulungan bumagsak ang isang businesswoman kasama ang da­lawa pang dalaga makaraang makuhanan ng shabu sa ikinasang buy-bust ope­ration, Biyernes nang gabi sa Valenzuela City.

Ayon kay P/Col. Carlito M. Gaces, hepe ng Valenzuela Police, nahaharap sa kasong Violation of RA 9165 ang mga suspek na sina Arlene Pana­giton, negosyante, 28; Jaymee Marange, 32, at Nica Tagulino, 23, taga-Clemente Compound, Brgy. Gen. T. De Leon.

Sa panayam kay P/Capt. Segundino Bulan Jr., head ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), ng Valenzuela Police, alas-8:30 ng gabi nang magkasa sila ng buy-bust operation sa harap ng One Mall, Brgy. Gen. T. De Leon. Target ng grupo ang tatlong dalaga na umano’y tulak ng iligal na droga.

Si P/Cpl. Rose Soriano ang nagkunwaring buyer ng droga at umiskor ng P400 na halaga ng shabu.

Matapos ang abutan, humudyat na si P/Cpl. Soriano kina P/SSgt. Alvin Olpindo, P/SSgt. Gabby Migano at P/Cpl. Mary Grace Igpuara na noo’y nasa paligid lang kaya pinosasan ang tatlong dalaga.

Nasamsam sa kanila ang limang small heated sealed transparent plastic sachet na may lamang shabu at P400 marked money. (Orlan Linde)