Abante Tonite Interactive

Businesswoman niyari ng tandem

By
0 164

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang babaeng negosyante ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Barangay ­Masambong sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Kinilala ni Masambong Police Station commander P/Supt. Rodrigo Soriano ang biktimang si Marivic ­Agcaioli Remigio, 52-anyos, may asawa, businesswo­man, ­tubong San ­Mateo, ­Isabela at taga-No. 74 Mabituan St., Brgy. ­Masambong, QC.
Sa inisyal na report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang pamamaril ay naganap pasado ala-una ng hapon sa kanto ng Tuktukan sa nasabing barangay.

Sa pahayag ng mga nakasaksi sa insidente, naglalakad umano pauwi sa kanilang tahanan ang negosyante nang tapatan ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo na walang plaka at pinagbabaril ang biktima.

Nang duguang bumulagta ang negosyante ay mabilis nang tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang getaway vehicle dala ang ginamit na armas.