Abante Tonite Interactive

Say mo Mommy Divine : Sarah nagkalaman ang pisngi

4,224

Nagkuwento si Sarah Geronimo sa nakaraang birthday celebration ng asawa niyang si Matteo Guidicelli last March 26.

Ayon kay Popstar Royalty ay mixed emotions daw si Matteo sa kaarawan nito.

“Sabi nga niya sa akin, ‘love, parang hindi ko matawag na ‘happy’ ‘yung birthday ko,’ kasi talagang nadudurog ‘yung puso niya sa mga nababasa niya, naririnig niya na balita, sa mga nangyayari, especially sa mga kababayan natin na helpless talaga, hirap na hirap sa mga pagkakataon na ito,” sey ni Sarah sa video.

Bago nga raw i-blow ni Matteo ang candles ng cake nito, ang wish daw ng mister ay matigil na sana ang COVID-19.

Marami naman ang nakakapansin na halatang masaya raw si Sarah sa bagong buhay nito ngayon bilang may asawa. Medyo nagkakalaman nga ang pisngi niya ngayon and baka nga ngayon pa lang natin makikita si Popstar na magdagdag ng timbang if ever.

Ang hinihintay ng lahat ngayon ay ang kung kelan ang magandang balita na pregnant na siya. Everybody’s wishing na sana ay soon na raw.

Vice pinakalma ni Ion

Kaarawan ni Vice Ganda last March 31 at siyempre, it was a sad birthday in a way dahil nga sa health crisis na nangyayari sa bansa ngayon. Good thing ay masaya naman ang kanyang love life ngayon dahil nandiyan si Ion Perez na nagpapa-happy sa kanya.

Sa kanyang kaarawan ay may pa-video message surprise pa si Ion para sa kanya na inere sa It’s Showtime last Tuesday na birthday niya mismo.

Sa nasabing video ay hiniling ni Ion na magtagal pa sana ang kanilang relasyon.

“Hello, meme (tawag ni Ion kay Vice), happy birthday. Sana, maging mas maging masaya ang birthday mo, ‘yung araw mo na kasama ang mga kaibigan mo, siyempre ako.

“Sana mas lalo ka pang maging malakas at sana mas lalong magtagal pa ‘yung pagsasama natin.

“Huwag na ako masyadong mag-drama kasi bawal, dapat happiness lang.

“To my partner, my lover, my very best friend, happy, happy birthday. Mahal na mahal kita,” ang kilig na mensahe ni Ion for Vice.

Nagpapasalamat naman ang TV host/comedian sa kanyang dyowa at aniya, ito raw ang nagpapasaya at nagpapakama sa kanya.

“Alam mo hindi ko rin ma-imagine, kung nangyayari ito tapos wala si Ion. Siguro ang lungkot-lungkot ng buhay ko, tapos buryong ako siguro talaga. Pero pinakakalma niya talaga ako,” sabi ni Vice.

“Alam mo nung past birthdays ko lagi akong nage-emote na parang inggit na inggit ako sa lahat — lahat nagpapakasal, lahat may jowa. Ngayon masaya ang puso ko, may taong nagmamahal sa akin na mahal na mahal ako.

“Ang saya ko, natutuwa ako. ‘Yun nga ang ganda nitong pagkakataon na kalmado lang, kalmado lang. Kaya Lord, maraming maraming salamat. Patatagin niyo pa po ang loob ko, patatagin niyo pa po ang buhay ko. Ayaw ko pong magkasakit,” sey pa niya.

Tonite – Wendys Inhouse Ad