Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Butas ni Abueva maraming ookupa

0 367

Nakaabang din si Phoenix interim coach Topex Robinson sa kasagutan kung aalisin na ang indefinite suspension ni Calvin Abueva para makalaro na sa umpisa ng kampanya ng Fuel Masters sa Philippine Cup ngayon.

Nakumpleto na ng The Beast ang medical requirements ng GAB para maibalik ang pro license, pero hindi pa kinukumpirma ng PBA kung ma-li-lift na ang suspension.

May Calvin o wala, handa ang Phoenix na sumagupa sa Meralco Bolts sa first game mamaya sa AUF gym.

“Obviously, everyone right now wants him to play,” ani Robinson, humalili kay dating coach Louie Alas.

“Granted, he’s gonna be a big help. Pero ‘yun ‘yung bagay na hindi namin kontrolado. Whether he plays or not we have a responsibility to compete as a team. We have to perform sa abot ng kaya namin.”

Walang problema basta mag-step up ang mga naiwan.

“Marami kaming talents na naghihintay lang ng opportunity so this might be the one na hinihintay nila,” dagdag ni Robinson. “We don’t know who it is, but we don’t expect it tio be just one person. For sure, ‘yung void na ‘yun ni Calvin maraming magpi-fill nu’n for us.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.