Abante Tonite Interactive

Butata ni Manlapaz nag-angat sa AdU

349

Ipinalasap ng Adam­son University ang ­unang talo sa National University matapos sikwatin ang 62-59 panalo kahapon sa UAAP Season 81 juniors basketball tournament sa Blue Eagle Gym.

Binutata ni Adrian Manlapaz ang potential game-tying triple ni Gerry Abadiano upang akbayan ang Baby Falcons sa panalo at kalsuhan ang five-game winning run ng Bulpups. 

Nagtala si Joem Sabandal ng 13 points at 11 rebounds habang kumana si Manlapaz ng 11 markers at 14 rebounds para sa Adamson University.

Bumira si Gerry Abadiano ng 17 markers para sa NU na may 5-1 karta.

Makakatapat ng Bulpups sa finals ang Ateneo na tinalo ang University of the East, 84-62, sa fourth game. 

 
Tumipa si Kai Sotto ng 25 points, seven rebounds, three steals at two blocks sa panalo ng Blue Eaglets, kapareho nila ng karta ang NU.

Sa ibang resulta ng laro, pinagpag ng Far Eastern University-Diliman ang UP Integrated School, 102-72 habang tinaob ng University of Santo Tomas ang De La Salle-Zobel, 63-56.