Abante Tonite Interactive

Butch: ₱15M sports equipment, iiwanan sa Batang Pinoy host

238

Mahigit sa P15 milyong halaga ng sports equipment mula sa Philippine Sports Commission (PSC) ang maiiwan bilang tulong sa mga local government unit ng Davao del Norte, Iloilo, at Ila­gan, Isabela dahil sa pagiging host sa mga qualifying leg ng Philippine National Youth Games-Batang Pinoy Championships.

Ito ang inihayag sa Memo­randum of Agreement signing at press conference ng ahensiya kahapon sa PSC conference room ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Pinangunahan ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pormal na kasunduan kasama sina Davao del Norte Provincial Sports & Youth Development Head Giovanni Gulanes, Iloilo City Sports Coordinator Moises Salomon at Ilagan, Isabela Gene­ral Services Officer Ricky Laggui.