Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buti may golf

0 96

Nasa 18 buwan o isa’t kalahating taon na ang pandemya, Coronavirus Disease 2019.

Kaya ang mundo ng sports, limitado pa rin ang mga aksiyon.

Marami pa ring mga event ang mga kinansela, ang iba’y inilipat mula sa 2020 patungo sa taong ito. Pero muli pa ring ipinagpaliban sa susunod na taon. Gayundin ang mga nakatakda sa taong ito, iniurong sa 2022.

Isa sa mga nagbibigay lang ng buhay at kulay para sa Abante at Abante TONITE sports pages sa bawat araw ang mga kampanya ng ating mga kababayan sa overseas o abroad.

Nariyan ang nakabase sa USA na 72nd Ladies Professional Golf Association Tour, 16th Symetra Tour, 3rd Women’s All-Pro Tour, 3rd The Cactus Tour, ang Professional Golf Association Tour, PGA of America, at siyempre ang 48th Japan Golf Tour.

Sa LPGA Tour kumakasa sina 2020+1 Tokyo Olympians Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan at ICTSI teaamate Dottie Ardina, at si Clarissmon ‘Clariss’ Guce.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lumalaban din sina Pagdanganan, Ardina, Guce at Pauline Del Rosario sa ST, sumasali pa si Del Rosario at si Abegail ‘Abby’ Arevalo sa WAPT. Bet din ng ‘Pinas si Arevalo sa TCT.

Nakahampas na si Justin Raphael Quiban sa PGA Tour, nakapalo na si 2016 Rio de Janeiro Olympian Luis Miguel Tabuena PGAA.

At sa JGT kumakasa sina Juvic Pagunsan, Angelo Que at Justin Delos Santos.

Malaking tulong ang golf, kayong mga shotmaker sa aming mga reader lalo na sa panahong ito.

Saludo po at pagbutihan pa ninyo!

Leave A Reply

Your email address will not be published.