Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Butler, Heat aapat; Warren, Pacers iisa

0 117

Sa huling linggo ng seeding game sa Orlando bubble, dalawang beses nagharap ang Miami Heat at Indiana Pacers.

Muli silang magtatagpo sa best-of-seven series ng first round ng playoffs.

Mula 2011, pangalawang pagkakataon pa lang na ang teams na tinapos ang regular season kontra isa’t isa ay uumpisahan din ang postseason na magkatapat. Huling nangyari ‘yun noong 2016 nang harapin ng Cleveland ang Detroit.

Selyado na ng Heat at Pacers ang 4 at 5 sa East ilang laro pa bago matapos ang seeding, puwestuhan na lang ang dinesisyunan. Pero wala ring homecourt advantage dahil sa bubble sila naglalaro, walang ‘home’ team.

SM food to go Banner Ad

Ang diperensiya lang ay ang kulay ng jersey, at ngayon ay alam na ni Miami coach Erik Spoelstra kung ano ang isusuot.

“We’ve got to match Miami’s energy,” deklarasyon ni Edmond Sumner ng Indiana. “That’s a team that’s going to play hard for 48 minutes.”

Ngayon lang ulit magtatagpo ang Heat at Pacers sa postseason pagkatapos ng tatlong sunod noong 2012, 2013 at 2014 – lahat inari ng Miami.

Sina Jimmy Butler, Bam Adebayo, Jae Crowder, Goran Dragic at Duncan Robinson ang pamato ng Heat laban kina Victor Oladipo, Malcolm Brogdon, Myles Turner, TJ Warren at Aaron Holiday ng Pacers. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.