Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Butler, Heat pinaso Celtics

0 271

Muntik mapakawalan ng Miami ang napundar na 26-point lead sa first half, kumapit sa dulo para ipreserba ang 130-124 panalo laban sa Boston sa 75th NBA regular season season game sa TD Garden sa Massachusetts Linggo.

Kumapit sa No. 6 sa Eastern Conference ang Heat (37-31), abante ng dalawang laro sa Celtics (35-33).

Nagsumite si Jimmy Butler ng 26 points, 11 assists, may 22 points si Duncan Robinson at 20 pa kay Bam Adebayo sa Miami.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala si All-Star Jaylen Brown (sprained right ankle), maagang naiwan ang Boston 43-20 pero inumpisahan ang second half sa 22-8 run para lumapit sa 12.

Pinahaba ni Robinson sa 44 consecutive games ang streak niyang may at least one 3-pointer sa isang laro. Kumonekta siya ng franchise record 57 noong isang taon.

Binitbit ng 30 points, 8 assists ni Evan Fournier ang Boston. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.