Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Butler, Heat pinaso Magic

0 300

Nagbaon si Jimmy Butler ng all-around game para makaeskapo ang Miami Heat kontra Orlando Magic, 102-97, sa 75th NBA regular season game sa Amway Center sa Florida Linggo ng gabi.

Hawak ng Heat ang lamang 100-97 sa 43 seconds, sinalpak ni Butler ang isang two-pointer upang makalayo sa Magic at maselyuhan ang panalo, nag-angat sa team sa 21-18 win-loss record at sinalya ang magic sa 13-26.

Pinangunahan ni Butler ang Heat sa 29 points, nine assists, seven rebounds at five steals.

“He has very disciplined gambles and I know that’s counterintuitive, but Jimmy’s a disciplined team defender” lahad ni Miami coach Erik Spoelstra. “He has a knack, that super-high IQ and that cat quickness that you can’t teach, and it surprises everybody.”

Nag-ambag si Tyler Herro sa Miami ng 22 pts., walong at 8 rebs. at si Kelly Olynyk ng markers

Nanguna sa Orlando ang 38 puntos ni Nikola Vucevic. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.