Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Butler, Heat taob vs Kings

0 153

Ikinalat ni De’Aaron Fox ang 11 sa kanyang 24 points sa final 6 minutes para ihatid ang Kings sa 115-113 sorpresang panalo laban sa Miami Heat sa 2021-22 NBA regular season gameLinggo ng gabi sa Golden 1 Center sa Sacramento.

Dalawang free throws ang ibinaon ni Fox sa final 6 seconds para selyuhan ang panalo. Panapos ‘yun sa 14 of 15 shooting niya sa stripe.

Nagkamada ng 26 points si Buddy Hield para giyahan ang Kings (16-22) na humugot pa ng 18 points at 10 rebounds kay Damian Jones.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umiskor ng 14 pataas ang starters ng Miami (23-14) sa pangunguna ng tig-22 nina Tyler Herro at Omer Yutseven pero naubusan sa dulo.

Kumalawit pa si Yutseven ng 16 boards, may 21 markers si Jimmy Butler at 14 points, 12 assists kay Kyle Lowry.

Ibinuhol ng 3-pointer ni Hield ang iskor sa 99-99, binawi sandali ng Miami ang unahan bago kumonekta sa back-to-back baskets si Fox na sinundan ng 7 straight free throws – huling dalawa matapos itabla ng jumper ni Butler sa 113-113. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.