Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Butler mas astig kay Giannis

0 104

Sa second round ng East playoffs, mukhang si Jimmy Butler ng Miami ang MVP at hindi si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee.

Dominado ni Butler ang unang tatlong laro at umalagwa sa 3-0 ang Heat, huli ang 115-110 panalo Biyernes ng gabi.

Malapit nang mag-impake ang NBA-best Bucks.

Kapag hindi nagising si Antetokounmpo sa Game 4 ngayong araw, exit na ng Orlando bubble ang Bucks.

“We’re not comfortable, we’re not complacent. We know we’re gonna have to earn this last one as well,” ani Butler sa parating na laro.

Series ni Butler ang matchup.

“We have the best player in this series, No. 1,” deklarasyon ni Miami backup center Leonard Meyers patungkol sa teammate niya. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.