Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Butler pasimuno: Heat sinilaban ang Pacers

0 219

Dalawang dagger 3s ang ibinaon ni Jimmy Butler sa dulo at naipagpag ng Miami Heat ang Indiana Pacers 113-101 sa opener ng kanilang 74th NBA 2019-20 Eastern Conference first-round series nitong Martes.

Nasundutan sa mata si Victor Oladipo, nilabas at hindi na bumalik. May 3 ½ minutes pa sa first quarter, nakipag-unahan si Oladipo sa bola kay Jae Crowder nang mahagip ang mata ng Pacers star guard.

Kumalas sa closing minutes ang Miami para kumpletuhin ang halos pantay na matchup ng Nos. 4 at 5 teams sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida.

Tumapos si Butler ng 28 points, 4 assists at 3 rebounds, nag-ambag si Goran Dragic ng 24. May 17 points, 10 rebounds at 6 assists pa si Bam Adebayo sa Miami.

“Sometimes I’m forced into taking some bad shots, but in the end my teammates, my coaches was like ‘Don’t lose this game, win it for us’ and that’s what I was thinking,” ani Butler.

Giniyahan ng tig-22 points nina TJ Warren at Malcolm Brogdon ang Indiana.

Lamang lang ng tatlo ang Heat sa kalagitnaan ng final period nang magsalpak ng dalawang tres si Butler, dinagdagan ng isa pa ni Dragic sa 11-2 surge tungo sa 107-95 papasok ng final 2 minutes. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.