Abante Tonite Interactive

Butler pinipirata si Embiid

454

Nire-recruit ba ni Jimmy Butler si Joel Embiid sa Miami?

Sa isang sagot lang sa social media, nagkagulo na.

“You either die a hero or live long enough to see yourself become the villain,” ang unang post sa Twitter ni Embiid.

Caption ‘yun ni Embiid sa post niyang larawan niyang naka-ssshhh ang daliri, parang sinasabing ‘wag maingay.

Sumagot si Butler: “I know a place where villains are welcome.”

May sundot pa si Embiid: “Damn right my brother.”

Kuha ang larawan na ‘yun ni Embiid sa Miami.

Nag-1-plus-1 agad ang mga nagmamagaling, hinihikayat na raw ni Butler si Embiid na lumipat ng Miami.

Nagkasama sa Philadelphia noong nakaraang taon ang dalawa.

Pagkatapos ng season, umalis si Butler para lumipat ng Heat. Nanatili si Embiid sa Philly para maging franchise player ng 76ers.

Wala namang nababalitang may selosan o iringan sina Embiid at partner niya sa Sixers na si Ben Simmons.

Nakatali si Embiid sa Philadelphia hanggang 2022-23 season. Malabo rin ang trade dahil mukhang walang assets ang Heat kahit sa draft. (VE)