Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Butler, Tatum ‘di pasasapaw

0 57

Tuloy ang karibalan ng Boston at Miami, sa Eastern Conference finals naman ang duelo umpisa ngayon.

Sinipa ng Heat ang NBA-best Milwaukee sa limang laro, nangailangan ng pito ang Celtics bago pinag-impake ang defending champion Toronto nitong Biyernes.

“The Heat are without question really good,” ani Celtics coach Brad Stevens noon pang seeding play sa Disney World. “Beating them four times in seven games is going to be exceptionally difficult. They’re just a good team. And then I’d say that Spo (Erik Spoelstra) is one of the best coaches I’ve seen.”

Sa postseason ay 8-1 ang Miami, pero mukhang sa Boston mahihirapan. Si Jimmy Butler ang top scorer sa season sa Heat sa 19.9 average sa 58 games.

Inari ng Celtics ang season matchup 2-1. Si Jayson Tatum ang nagtatrangko sa opensa nang sa 66 games ay mag-average ng 23.4 pts. per game.

Sa unang meeting, bagsak ang Heat 112-93 noong Dec. 4. Namuno si Butler sa Miami sa kinamadang 37 points, may combined 59 sina Jaylen Brown at Kemba Walker.

Inulit ng Boston 109-101 noong Jan. 28 sa Miami. Bida sa Celtics sina Gordon Hayward (29 pts.) at Brown (25).

Sa seeding games sa Orlando bumawi ang Heat 112-106 noong Aug. 4. Wala noon si Butler (right ankle), nag-step up si center Bam Adebayo para tumapos ng 21 points, 12 rebounds.

Sa postseason opener ng Celtics ay nawala si Hayward (right ankle). Umaasa ang Boston na makakabalik siya sa conference finals. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.