Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Butler, Tatum hindi papahuli

0 66

Alam na ng Miami Heat ang makakatapat nila sa Eastern Conference finals – Boston Celtics.

Sisiklab ang best-of-seven series ng No. 3 Celtics at No. 5 Heat sa Martes sa Disney Wide World of Sports complex sa Orlando.

Ilang araw nang nag-aabang ang Heat, sinipa ang NBA-best Milwaukee sa limang laro.

Dumaan sa sagarang Game 7 ang Celtics bago pinitik ang defending NBA champions Toronto Raptors nitong Biyernes.

May anim na araw na preparasyon ang Miami bago sumabak sa finals.

Ibig sabihin ay nakapahnga ang tuhod nina Jimmy Butler at Goran Dragic, gayundin sina Bam Adebayo, Jae Crowder, Tyler Herro, Kelly Olynyk at Andre Iguodala.

Tatlong araw lang naghabol ng hininga sina Jayson Tatum, Jaylen Brown, Marcus Smart at Kemba Walker.

“We’re going to just take our time, rest our bodies up,” ani Walker. “Take a few days and get prepared for a great team. Those guys balls last series, man.”

Mahaba-haba na rin ang karibalan ng Miami at Boston sa playoffs. Kinubra ng Celtics ang first-round series noong 2010, tinuhog ng Heat ang sumuod na dalawa – 2011 second-round series at 2012 conference finals. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.