Abante Tonite Interactive

Butler trumabaho ng triple-double

210

Nangadeliber si Jimmy Butler ng triple-double na 22 points, 13 rebounds at 12 assists, nagdagdag si Duncan Robinson ng 22 points, at ibinaon ng Miami Heat ang Toronto Raptors 121-110 via overtime Martes nang gabi.

Nadiskaril ang balik ni Kyle Lowry sa Toronto lineup, naglaro tapos ang 11-game absence dahil sa fractured left thumb. May 12 points at 11 assists siya sa loob ng 41 minutes, pero 2 for 18 lang mula sa field.

Walang pumasok sa walong field goal attempts ni Lowry sa first half kabilang ang lima mula 3-point range. Nakakuha lang siya ng puntos sa dalawang free throws 3:40 sa second.(VE)