Abante Tonite Interactive

Butsi pinakasikat na meryenda sa mundo — Taste Atlas

426

Ang online food encyclopedia na dati nang nakatutok sa mga lutuing Pinoy na crispy pata, lechon, at kare kare bilang pinakamahusay na lutuin sa mundo, at ang adobo bilang pinakamalapit na bagay sa Filipino national dish ay nagbigay pansin sa meryenda ng Pinoy.

Inirekomenda ng Taste Atlas ang meryenda mula sa Pili­pinas bilang isa sa pinakamasarap na meryenda na maaring masubukan sa 8 restoran sa Pilipinas: na kinabibilangan ng Xin Tian Di, Quezon City; XO Kitchen,­ Makati; Lotus Court, Davao City; Pink Panda, Makati; Wai Ying, Maynila; Heng Kee Dimsum, Davao City Hai Shin Lou, Makati; Caitlyn’s Dumpling Bar, Davao City.

Inilarawan ng Taste Atlas ang Butsi balls: ang Pinoy bersyon ng traditional Chinese jian dui sweets na ginawa gamit ang malagkit na bigas at binilog ng maliit na hugis at pinalamanan ng iba’t ibang matamis tulad ng minatamis na bean, creamy lotus, red bean paste, o ginutay-gutay na buko. (Mina Aquino)