Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buttler ginaya ng 30 player

0 292

Higit 30 player ang sumunod sa desisyon ni Jimmy Butler ng Miami Heat na huwag magpalagay ng pangalan sa likod ng kanyang jersey sa NBA restart sa Orlando sa July 30.

Naglabas ng listahan ng mga aprubadong social justice messages ang NBA, pero mas gusto ni Butler na blangko na lang ang kanyang nameplate.

“Per sources, it appears as of now that Heat All-Star Jimmy Butler’s request to wear no name on the back of his jersey at the NBA restart will not be honored,” tweet ni Tim Reynolds ng AP. “The NBA and NBPA struck deals on the messaging, but wearing of a name is part of the uniform player agreement.”

Hindi pa binabaril ng NBA ang request ni Butler sa ngayon, p’wedeng pagbigyan o tablahin.

Habang pinag-aaralan ng liga ang request ni Butler, maraming players na ang naghayag na gusto rin nila ng blank nameplate.

“Sources to @YahooSports: Contrary to reports Jimmy Butler’s jersey request is still under review and has not been denied. Butler wants to leave his nameplate on his jersey blank,” ulat ni Vincent Goodwill. “Over 30 players have requested a blank nameplate on their jerseys.”

Walang binanggit na pangalan kung sinu-sino ang gumaya kay Butler. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.