Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buwan ng Nutrisyon (Part 2)

0 128

Malnutrisyon

Ang malnutrisyon ay isang masalimuot na kalagayan. Nangyayari ito sa iba’t ibang sektor ng mamamayan. Hindi lang sa mga bansa tulad ng Pilipinas nangyayari ito. Kinabibilangan sa malnutrisyon ang mga sumusunod: Ang underweight o mababa para sa edad ang timbang, ang wasting o mababa ang timbang para sa tangkad, at ang stunting o bansot para sa edad ang bata. Ang huli ay napakahalaga dahil sa panahon na mangyari ito, ay may katagalan na ang pagkamalnourished ng bata. Kasama sa mga resulta nito ay ang pagbagal sa pagsulong ng mentalidad, mahina sa eskuwela, at ang kapasidad magisip ay bumababa din. Sa katagalan, ang pagiging produktibong miyembro ng komunidad ay naaapektuhan. Sa buong mundo, ang bilang ng mga wasted na bata ay umaabot ng 45M, ang stunted naman ay nasa 149M. 45% ng mga batang 5 taong gulang pababa na namamatay ay may kinalaman sa malnutrisyon. Dito sa ating bansa, ang stunting rate ay 29%. Pang lima tayo sa mga bansa sa East Asia at Pacific region, at kabilang sa top 10 na bansa sa buong mundo. Dahil sa nangangambang sitwasyon na ito, naging prayoridad ang nutrisyon.

Malaki ang kinalaman ng mga sumusunod sa pagkakaroon ng manutrisyon. 1) Kulang ang pagkain, 2) hindi wastong pagpapakain, 3) sa sinapupunan pa lamang ay limitado na ang nutrisyon, 4) hindi malinis ang kapaligiran, 5) hindi natuturuan ng magulang, 6) may kalakihan ang dami sa pamilya, 7) kulang ang mga bakuna, 8) pagkahirap, 9) hindi stabilisadong ekonomiya at politika, at 10) sa mga sitwasyon ng kalamidad

Sa iba’t ibang barangay natin ay may mga nutritionists na nagtuturo ng tamang nutrition plan para sa lahat ng nasa komunidad nila. Kabilang sa mga ginagawa nila ay sinisiguro na malusog ang bawat miyembro at balanse ang pagkaing hinahain ng mga ito. Ilan sa mga pinapayo nila ay mainam na mag snacks madalas at uminom ng mga caloric drinks. Mas maganda kung ang mapapakain ay “fortified” para may karagdagang nutrients. Karagdagan pa sa mga ito ay kumain ng 3 beses maghapon na may 2 hanggang 3 snacks. Kung kinakailangan. Ay mag alarm kung hindi basta basta nakakaramdam ng gutom, para maalalang kumain. Magsama ng mga nuts at nut butters, dried fruits, cheese, granola bars, at avocados na puno ng sustansya. Siguraduhing may protina ang kinakain. Maaaring dagdagan ng gravy, cream sauces o cheese sauces sa karne at gulay. Maglagay din ng oils o butter sa linulutong gulay, grains, at protina. Gumamit ng whole or 2% milk imbes na tubig o skim milk sa mga inumin, snacks at pati sa pagluto. Pwede din gumamit ng regular o full fat condiments tulad ng mayonnaise, sour cream, at salad dressings.

SM food to go Banner Ad

Mahirap magisip kung gutom, mas mahirap kung pwersahan ang gutom at ang ikalalabasan ay malnutrisyon. Tumulong tayo labanan ito.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe! Sundin ang minimum health requirements! Magpabooster!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at channel 23 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing sabado 715am) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.