Abante Tonite Interactive

Buwanang pensyon ng mga beterano itinaas sa 20K

222

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas ang umento sa pensyon ng mga Filipino war veteran.

Sa ilalim ng Republic Act 11164, ang dating P5,000 buwanang pensyon ng mga beteranong sumabak sa World War II, Korean at Vietnam war ay itataas sa P20,000 kada buwan.

Sa ilalim ng bagong batas, masasakop nito ang mga beteranong hindi tumatanggap ng pensyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

“The entitlement to the increase in old-age pension shall be limited to the eligible living senior veterans and shall not be transferable to any family members and/or dependents of the senior veterans,” ayon sa nilagdaang batas.

Huling itinaas ang pensyon ng mga beterano noong 1994 kung saan P1,000 pa lamang ang buwanan nilang tinatanggap.