Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buwena mano si Gil’s Magic

0 80

Inukit ni Gil’s Magic ang unang panalo ngayong 2021 matapos biguin ang mga liyamadista sa Philracom Rating Based Handicap System kahapon sa Metro Turf sa Malvar – Tanauan City, Batangas.

Nagsaya ang mga dehadista sa panalo ni Gil’s Magic na rumemate sa rektahan at talunin ang mga liyamadong sina Ambet Ko To at Money Gain.

Pinakiramdaman muna ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awarde Patty Dilema ang mga nasa unahan na sina The Believer at Universe saka pinagalaw ang winning horse bandang far turn.

Naagaw ni Universe ang bandera kay The Bliever sa huling kurbada pero nakasunod sa kanya si Gil’s Magic.

Nasa unahan na si Gil’s Magic sa huling 100 metro, malakas ang remate ni Ambet Ko To pero hindi ito umabot.

Tinawid ni Gil’s magic ang meta ng may kalahating kabayo lang na agwat sa pumangalawang Ambet Ko To, nakapagtala ng tiyempong 1:26 minuto sa 1400 metro sa event na suportado ng Philippine Racing Commission. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.