Abante Tonite Interactive

Buwena manong titulo ang sigaw sa ika-3 taon

Sta. Lucia Lady Realtors

212

Isa sa mga malulupit na import ng Sta. Lucia si MJ Phillips, pero hindi siya makakalaro sa ilang laban ng Lady Realtors sa 7th PSL 2019 Grand Prix.

Ito’y dahil nagpapagaling pa si Phillips sa kanyang injuries, ayon kay coach Babes Castillo.

“Mahigit isang buwan pa siyang magpapagaling kaya kumuha muna kami ng iba,” pahayag niya.

Kakapit muna si Castillo sa kanilang reinforcements na sina Molly Lohman at Casey Schoenlein kasama ang ibang tiga­sing local spikers.

Makakatuwang ng dalawang import sina Pamela Tricia ‘Pam’ Lastimosa, Amanda Villanueva, Andrea Marzan, Jhoana ‘Jho’ Maraguinot at Rubie de Leon.

Pero maaari pang pumalo si Phillips sa Sta. Lucia dahil nilagay siya ng team sa reserve list.
“MJ will be seeing action this Grand Prix 2019. She is in the reserved list and and will be ready to be moved up.,” panapos ni Castillo.

Posibleng makalaro si Philips sa Marso 12.

Best-finish pa lang ng Lady Realtors sa nakaraang anim na women’s indoor volleyball sa nagdaang dalawang taon sa liga ang ika-5 sa torneo ring ito noong isang taon.

 

Petron blaze spikers markado sa lahat

Markado ang defending champion Petron Blaze Spikers sa 7th Philippine Superliga 2019 Grand Prix.

Pero para kay Blaze Spikers coach Cesael ‘Shaq’ delos Santos, mahirap na laban ang magaganap ngayon dahil may mga reinforcement kaya hindi sila nakasisigurong mananatili sa kanila ang korona.

“I tell the team that this is an entirely new battle,” hayag ni Delos Santos na huhugot ng puwersa kina reinforcements Stephanie Niemer at Katherine Bell.

Makakatuwang ng dalawang import sina local stars Mika Aereen Reyes, Aiza Maizo-Pontillas, Frances Xinia Molina, Rhea Katrina Dimaculangan at bagong miyembro na si libero Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro.

“This is a very competitive field. We can’t be complacent. We have to be at our best every game if we want to retain our crown. We have to give our 100 percent game in and game out,” hirit ni Delos Santos.

“Everybody is a contender,” panapos ni Delos Santos. “This is going to be a wide open and competitive race so we have to prepare hard against everybody.”