Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buwenasin kayo! PSC sa mga atleta

0 47

Tiwala ang Philipine Sports Commission na bigay-todo ang mga atleta na ang ilan ay mga sumabak na sa 31st Southeast Asian Games Biyernes sa buong suporta ng ahensya ng gobyerno sa sports sa asintang makamedalya ang mga ito sa 38 sa 40 sports.

Wagi ang men’s football team sa Timor-Leste habang lumalaban pa ang handball squad at dumating na sa nasabing araw ang women’s football, kurash/judo, rowing at diving bago ang pambungad na seremonya sa Mayo 12 sa Hanoi, Vietnam.

“I wish our athletes the best of luck. They have all trained hard for this and I’m sure they will compete with the best of their abilities to win medals for our country,” bulalas ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ang PSC ang tumutustos sa malakas na 908 delegasyon ng ‘Pinas, na may 641 athletes sa 11-nation, biennial sports meet. Walang lahok lang ang mga Pinoy sa petanque at Chinese/elephant chess o xianggi.

Sunod na may laban din agad pagkaraan ng football at hand ball ang kickboxers sa Linggo sa Bac Ninh Stadium, may 100 kilometro ang layo main hub Hanoi.

Una nang pinalakas ang loob ng mga atleta sa football at handball ni PSC Commissioner at Team PH chef de mission Ramon Fernandez nitong Huwebes.

Naroon din ang PSC staff na inasistehan siya sa pamumudmod ng allowance ng mga manlalaro at coach. “As chef de mission, I will make sure that every athlete will be taken care of for them perform at their best,” sey ni Fernandez.

Magdaratingan naman sa Martes ang malaking grupo ng mga Pinoy athlete, coach at official makaraan ang pambansang halalan sa Lunes. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.