Abante Tonite Interactive

BUWIS-BUHAY SA CELFONE

8

Nang dahil sa isang celfone ay nag­buwis ng buhay ang isang ala­gad ng batas ma­tapos itong mabaril ng a­arestuhing kawatan sa Barangay Uno, Cabuyao, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Joseph Bayan, hepe ng Cabuyao Police, ang nasawing kagawad ng pulisya na si PO1 Gerundio Gelizon, naka­talaga sa Biñan Police Station.

Batay sa report ng ­Biñan Police, rumes­ponde si Gelizon at ang isa pang pulis na na­kilala lamang sa pa­ngalang PO1 Muksin dahil sa sumbong ng isang babae na ninakawan umano ng celfone.

Sa salaysay ng ni­na­ka­wang bebot, alas-9:30 umano ng gabi nang mag-text sa kanya ang suspek upang i­sauli ang ninakaw na celfone.

Itinakda umano ang pagkikita ng suspek at ng kanyang biniktimang bebot sa isang lugar sa na­sabing barangay kaya nakipag-­ugnayan ang babae sa mga awtoridad.

Nagpasya umano si PO1 Gelizon ka­sama ang isa pa na sama­han ang biktima pa­tungo sa tagpuan. Mula sa ­presinto ay sumugod ang dala­wang pulis kasama ang babaeng biktima sakay ng isang motorsiklo.

Pagdating sa lugar ay unang lumapit ang suspek si Gelizon.

Walang kamalay-­malay ang biktima na ­armado ang suspek ka­ya’t nabulaga ito nang salubungin ito ng pu­tok mula sa hindi pa ma­batid na kalibre ng baril ng suspek.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng katawan ang pulis at mabilis na isinugod sa ospital, subalit nasawi habang inililipat ito sa isa pang ospital.

Agad namang naka­takas ang suspek ma­tapos ang pamamaril. Ni Ronilo Dagos