Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buwis ng POGO gastusin sa COVID – Drilon

0 257

Hihigpitan ng gobyerno ang mga rules sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa ilalim ng panukalang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 para maiwasan ang panloloko ng mga ito kabilang ang hindi pagdeklara ng kanilang kita, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Ayon kay Drilon, sa ilalim ng panukala, ang kita mula sa POGO ang magiging ‘source of income’ na gagamitin para sa COVID-19 stimulus measure at kasama na rin ang probinsiya na nag-aatas sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na ipasara ang mga POGO na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Para mapalakas asng anti-fraud measures ng gobyerno, nakasaad sa Bayanihan 2 na ang buwis ay dapat i-compute sa peso na katumbas sa foreign currency na ginagamit base sa kasalukuyang official exchange rate.

Sabi ni Drilon, layunin nito na maiwasan ang pag-under declare ng mga POGO sa kanilang kita.

“Alam natin na dinadaya yung exchange rate kaya ang ginawa natin ay yung official exchange rate at the time of payment ang gagamitin at kapag sila ay nandaya ay pwede silang ipasara at kasuhan,” sabi ni Drilon sa panayam sa radyo. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.