Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buwis sa kwek-kwek fish ball pinalagan

0 416

Pinalagan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang panukalang patawan ng buwis ang mga junk food gaya ng kwek-kwek at fish ball dahil sa pagiging anti-poor.

Ayon kay Zarate, planong patawan ang mga junk food ng 10 hanggang 20 porsiyentong buwis, base sa proposal ng National Tax Research Center.

Dahil dito aniya, ang kwek-kwek na dating P20 ay magiging P22 hanggang P24 dahil sa dagdag na buwis.

Tataas din kung sakali ang instant mami at pancit canton na kadalasang kinakain ng mga mahihirap.

Kaya naman giit ni Zarate, dapat ibasura at ibaon sa limot ang panukala gaya ng “Asin Tax” na hindi naaprubahan noong 17th Congress. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.