Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buy local suportado sa Bayanihan 2 – Angara

0 85

Mayroong mga probisyong nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 para suportahan ang mga industriya sa bansa na apektado ng COVID-19 pandemic, ayon kay Senador Sonny Angara.

Bukod aniya sa mga micro, small at medium enterprise (MSME) na bibigyan ng pautang ng gobyerno, mayroon ding `special preference’ para sa pagbili mga produktong gawa sa Pilipinas katulad ng personal protective equipment o PPE na ginagamit ng mga frontliner.

Sabi ni Angara, chairperson ng Senate committee on finance, mas kailangan ngayon ng ayuda ng lokal na industriya kung kaya’t sa pinag-isang bersyon ng Bayanihan 2 ng Kongreso ay siniguro nila na kasama ang buy local provision para sa mga produktong gawa sa Pilipinas.

Sa bidding aniya ay inatasan naman ang Department of Budget and Management (DBM na i-award sa lowest domestic manufacturer kahit na mababa ng 15% ito sa foreign bid.

Leave A Reply

Your email address will not be published.