Abante Tonite Interactive

Buy and sell agent pinasabog ang ulo

By
120

Tumimbuwang sa kalsada ang isang 24-anyos na lalaking buy and sell agent ng scrap material makaraang barilin nang malapitan sa likurang bahagi ng kanyang ulo ng riding-in-tandem habang naglalakad sa Capulong St., Tondo, Maynila kahapon ng hatinggabi.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Nanding Ocampo, residente rin sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Marag­gun ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:02 ng hatinggabi nang mangyari ang pamamaril sa panulukan ng Capulong at Mata Street.

Naglalakad ang biktima nang sundan ito ng riding-in-tandem at nang makakuha ng tiyempo ay bumunot ng baril ang angkas saka malapitang binaril sa likurang bahagi ng kanyang ulo si Ocampo.

Kitang-kita sa footage ng closed-circuit television (CCTV) sa pinangyarihan ng krimen nang tumimbuwang ang biktima at muli itong pinaputukan ng suspek saka mabilis na pinaharurot ang kanilang motorsiklo para tumakas.

Sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang insidente.