Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Byuting misis ng sundalo nilaslas leeg

0 755

Pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinagnakawan at pinatay ang 31-anyos na ginang, nang matagpuan ng kanyang mister na sundalo sa loob ng kanilang bahay sa Camaligan, Camarines Sur.

Laslas ang leeg at walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan at may palatandaang ginahasa, nang matagpuan si Ressian Betchayda-Dumagat, at manager ng HMO Bicol Access.

Ayon kay P/Maj. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol Police, alas-9:40 Miyerkoles ng gabi nang dumating ang mister na si Cpl. Rejan Dumagat sa kanilang bahay sa Brgy. Marupit.

Nagtaka ang mister kung bakit walang ilaw sa loob ng bahay, at nang buksan ito dito na tumambad sa kanya ang bangkay ng kanyang asawa na walang saplot ang pang-ibabang katawan at may mahabang laslas sa leeg nito na sanhi ng kamatayan nito.

Nawawala din umano ang mahahalagang gamit at alahas ng ginang.

Nabatid na may isang anak na lalaki ang mag-asawa pero wala ito sa bahay nang mangyari ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon para sa pagkakakilanlan salarin. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.