Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Byuting tik toker nilambat sa shabu

0 3,014

Arestado ang isang tik toker na part time model at kinakasama nito matapos makuhanan ng P250,000 halaga ng shabu sa isinagawang buybust operation ng pulisya, Martes ng hapon sa Purok 8, V. Mapa street, Barangay 12-B, Bajada, Davao City.

Kinilala ang naarestong suspek na sina Armand Christopher Macasaet, 35, at live-in partner nitong si Samantha Fritz Atillo Jean Jaquet, 20, umano’y part time model, at viral tiktokers, kapwa residente ng Purok 5, Quezon Blvd. Barangay 37-D, ng nabatid na lungsod.

Ayon kay Lt. Rizalito Capili III, Intelligence officer ng San Pedro Police station, ang mag-live in ay kabilang sa Directorate for Intelligence drugs watchlist bilang street value pushers.

Nabatid na dakong alas-5:30 ng hapon nitong nakaraang Martes ay isang entrapment operation ang isinagawa ng San Pedro Police station laban sa mga suspek sa Purok 8, V. Mapa st sa Barangay 12-B Bajada kung saan nakipagkita ang mga ito sa isang police poseur buyer na umiskor ng halagang P1,000 shabu.

Matapos magkapalitan ng marked money at shabu ay agad na dinakma ang mga suspek ng mga operatiba kung saan nakuha sa mga ito ang isang itim na pouch bag na naglalaman ng tinatayang 17.5 gramo ng shabu na nagkakahalagang P250,000.

Bukod sa shabu ay nakuha din sa mga suspek ang isang .22 kalibre ng baril na walang serial number at may apat na bala, cellphone kung saan nakatala ang iligal nilang transaksyon gayundin ang gamit nilang mamahaling kotseng MG Morris garage crossover. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.