Abante Tonite
Mabilis sa Balita

C-Stan, Aquilar matinik sa gitna

0 206

Top pick overall ng Burger King si Japeth Aguilar noong 2009.

Makalipas ang apat na taon, si Greg Slaughter naman ang No. 1 pick ng Ginebra.

Nabuo ang Twin Towers ng Gin Kings, anim na taon ding nagsama ang dalawa at magkatuwang na sumungkit ng apat na PBA titles.

Nagpahinga si Slaughter pagkatapos ng 2019 Governors Cup champion, bumalik at tinanggap muli ng Ginebra. Hindi pa nagsisimula ang 2021 Season, pinamigay ang 7-foot Cebuano sa NorthPort sa one-on-one trade para kay Christian Standhardinger.

No. 1 selection din si Standhardinger, kinuha ng San Miguel Beer noong 2017.

SM food to go Banner Ad

Iba na ang katambal ni Japeth sa front court ng crowd darlings, pero hindi na siya mangangapa.

Nagsama na ang dalawang big men sa 2017 FIBA Asia Cup sa Lebanon nang makarating hanggang quarterfinals ang Gilas Pilipinas. Teammates din sila sa National squad ni coach Tim Cone na sumikwat ng gold noong 2019 Manila SEA Games.

“Maganda naman ‘yung kinalabasan ng tournaments namin na ‘yun,” ani Aguilar nitong Linggo.

Naitaas ng Gins ang Philippne Cup crown sa Clark bubble noong nakaraan na sina 6-9 Aguilar at 6-7 Prince Caperal lang ang pambara ni Cone sa 5.

Sa pagdating ni C-Stan, mas tumibay pa ang Ginebra sa gitna. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.